Hindi ko naman alam na ganito pala kahahantungan namin. Kung ganito lang ang mangyayari edi sana hindi ko na ginawa yu'n. Hindi ko naman sinasadya na mangyari yun eh. Kasalanan ko ba kung siya yung napili nitong tangang puso na 'to? Sana inintindi niya na lang ako, pero hindi eh. Lumayo siya... Lumayo siya... -------------------------------------------------------- "Hala sige! Alak pa!" Ako "Ma'am tama na po. Hindi niyo na po kaya eh." Bartender "Ano bang paki-alam mo kung gusto ko pang uminom? Ha? BARTENBER KA LANG NAMAN DITO AHH! WALA KANG KARAPATAN NA PIGILAN AKO!" Aba pigilan ba naman ako nitong HOT BARTENDER na 'to. HOT nga, loko-loko naman. Hmp! "MA'AM TIPSY NA PO KAYO!" Grrrrr. "Eh ano naman kung tipsy na 'ko! May problema ako kaya ako ganito! 'Wag kang maki-alam! At isa pa, anong karapatan mong sigawan ako ha?!" Paki-alamero! Che! "Alak pa!" Hala! Gumagawa na pala ako ng eskandalo dito. Hahaha! Sa sobrang lasing ko, wala na 'kong paki-alam sa paligid ko! Pero wala naman talaga ako paki-alam sa mga nakatingin dyan eh! Ang gusto ko lang uminom! Hahaha! Ayun! Binigyan din ulit ako! "Bibigyan mo rin pala ako eh!" Sabi ko sa bartender. "Ma'am, kung ano man po yung problema niyo, hindi naman po niyo yun madadaan sa alak o inom eh. May ibang better way pa po para masolusyonan yan." And with that umalis na siya at nag-entertain ng ibang costumer. Kaya lang naman ako ganito dahil gusto kong mabawasan yung sakit na nararamdaman ko. Gusto ko lang naman yun takasan kahit saglit lang. Pero ng dahil sa sinabi nung bartender na yun, natigilan ako sa ginawa ko. Kaya tinawag ko na lang ulit yung bartender na yun para magbayad. Nang matapos na, bago pa sya umalis tinawag ko ulit siya at nagpasalamat. Nagpunta muna akong restroom ng bar at kinausap ang sarili ko. Humarap ako sa salamin. "Bakit nga ba ganito ako? Anong magandang rason kung bakit naglalasing ako? Dahil nasaktan ako? Sapat na ba yung reason para maglasing ako?" Hay! Para akong tanga dito, kinakausap ang sarili. Kaya ayun umalis na 'ko ng bar at dumiretso umuwi ng bahay at natulog. --------------------------------------------------------- *Next Day *Krriiiiingggg* Wtf?! Ang aga-aga naman may tatawag! "HELLO?!" Ako "Oh friend! Gandang bati ah! Gandang umaga!" "Shit naman Cha! Alam mo ba kung anong oras na 'ko natulog kagabi! Tapos ang aga-aga mo tumawag! Uggh!" "Sorry naman! Sorry!" "Tss. Ba't ka ba napatawag?!" "Ahh. Friend, punta ako dyan ahh! Sige na ha? Ayoko dito sa bahay eh." "Sige, sige. Antayin na lang kita." "Salamat friend! Aylalalalabyu! Mwah! Hahaha." "Che! Bilisan mo na! Hahahaha." "Sige, babush!" Binabaan ko na sya ng phone. Nagtataka lang ako kasi kahit tumawa siya parang may pain akong nahalata sa boses niya. By the way, ako nga pala si Elaine Tee. 17. 2nd Year College. Political Science (Pre-Law Course). Mabait DAW. Cute DAW. Magaling DAW ako maki-sama kaya halos lahat ng kaibigan ko lalaki, although may babae din naman. At sabi nila, dakilang MaMaBest daw ako, MAbilis MAgpalit ng BESTfriend. Pa'no ba naman kasi, kada year iba-iba ang bestfriend ko. Pero lahat yun nagbago when a certain someone came in too my life. -------------------------------------------------------------------------- 2 years earlier, 4th year high school... Haggard ang first week of 4th year. SOBRA! At ngayon friday na. Magpapa-annual party na naman si Cha! Wee! Less pagod. :D "Hoy bakla!" Tawag sa 'kin ng kaibigan ko, si Cha. Yan lang ang close ko talaga sa mga babae since 1st year HS . "Bakla! Ano? Musta 1st week ng 4th year?" Pangangamusta ko sa kanya. "Okay naman. Kalerkey yung teacher namin! Kailangan daw 'pag nagpakilala may talent!" "O, anong ginawa mo?" "Edi um-acting! Leche nga eh! Hindi ako maluha-luha! Sa dinami-rami ng pagkakataon ngayon pa!" Natatawa tuloy ako sa kanya pinipigilan ko lang. "KYAHAHAHAHAHAHAHAHA!" 'Di ko na napigilan eh. "Ano ba yan?! Dapat 'di ko na lang kinwento sa'yo eh. " "Hahaha! Nakakatawa ka kasi Cha eh." "Hmp! Oh, ikaw? Nakahanap ka na ng bagong bestfriend?" "Nako po! Yun agad? 'Di ba pwedeng si Patpat ulit?" "Edi ba bestfriend mo na yun nung third year?" "Oo. Ano naman mali dun?" "Wow! Ano 'to BAGONG BUHAY?" Ngeksss. "Bawal ba yun? E hindi naman kasi siya katulad nung mga past bestfriends ko na iniwan ako dahil lang sa SYOrt TAym nila! Hmp! Tignan mo sya, may GF pero bestfriend pa din ako bestfriend pa din ako." "Nako! Sige, after a week tignan natin yan." "Hay nako! Ang Nega mo! Tara na nga sa bahay! Tutulong ako sa'yo sa pag-handa para sa annual party dun. :)" Yan si Cha! Makulit! Parang bakla magsalita! Hahaha. Pero hindi siya maarte at ayun ang gusto ko sa kanya. Alam niyo bang siya pa nagbansag sa 'kin na MaMaBest? 2nd year kami nun nung sinabi niya yun. Hahaha! Kaya kapag may tumatawag sa 'kin na MaMaBest. Ngingitian ko na lang. Well, it suits me. LoL. Hahaha! Kaya nga pala natanong ni Cha kung may bago na 'kong bestfriend is dahil nga ako si so called MaMaBest. Alam niyo na yun. Hahaha. Since grade 5 kasi 'to. At iisa lang ang reason nila kung bakit ako iniiwan. MAY GF NA SILA! -_- Badtrip 'di ba? After magkaroon ng GF kalimutan na? Psh! Nung grade 5, si Jude. Puno't dulo ng lahat. Pero hindi ako galit sa kanya, hindi ko naman siya masisisi kung mahal niya yung tao. Grade 6 - Floyd 1st year - Joshua 2nd year - Christian 3rd year - Patpat (Patrick) Buti pa nga si Patrick eh! Hindi nang-iiwan, pero hindi ko lang alam kung hindi talaga sya mang-iiwan. Sana nga hindi. Ayoko na kasi ng ganun na bestfriend. ........... Its been one week since the party. Okay okay naman sa ngayon. Kaya lang may problema. TUMAMA YUNG HULA NI CHA KAY PATPAT. Ayun nung kinwento ko sa kanya, natawa ang gaga. Hmp! Nakaka-inis talaga! Mga nagkaroon lang ng girlfriend mang-iiwan na! Hmp! Kaya heto! Jamming with the boys ang peg ko. Pero HINDI AKO FLIRT! Parang lalaki nga daw ako eh xD Pero sanay na 'ko dyan! Kaya ayos lang sa'kin. :) May nakilala nga akong bago sa barkada namin eh! Transferee, sabi nila. Si Ichan Jeatda(Yit-da). Mabait siya, masiyahin, GWAPO din. After that, naging magkasama na kami lagi. May nanunukso pa nga sa 'min pero hindi eh. Kaibigan lang tingin ko sa kanya. Tapos isang beses kinausap niya ako. "Elaine!" "Oh! Ichan! Why?" "Wala naman, ahm tutal lagi naman tayong magkasama so bestfriends na tayo?" "Hindi pa ba tayo bestfriends sa lagay na 'to?" Biro ko sa kanya. "Naman oh!" Hala! Nainis ata. "Uy, eto naman! Joke lang eh. So, bestfriends. :)" Nakakatuwa nga 'tong si Ichan eh! Sobrang makulit! Hahaha. Tapos pareho pa kami ng interest pati sa subject na gusto namin pareho. At eto pa ha. Nung nagka-GF sya, hindi siya nawalan ng time para sa 'kin. Yan ang tunay na bestfriend. Yung ibang naging bestfriend ko hindi naman dapat bestfriend tawag dun eh, BWISESTFRIEND! Kahit hanggang 1styear college namin (pareho kami ng course ahh), ganun pa rin sya. Pero by the middle of school year nun, nagbreak sila ng girlfriend niya. Grabe, awang-awa ako sa kanya. Hindi ko alam gagawin ko. Kaya binalak kong kausapin yung girl. Pero nabalitaan ko na lang na she left the country for good and moved to the States. Masakit yun para kay Ichan kaya hindi ko sya iniwan hanggang sa maka-move on sya. And by that time...Hayyy...Dun ako nahulog sa kanya. Lagi ko kasi siyang kasama siguro kaya ganun. Pero I just ignored that feeling. Para kasing magiging awkward kung ma-fall ako sa kanya. Kaya sinubukan kong kalimutan yung konting nararamdaman ko para sa kanya. Pero hindi ko magawa. Lalo pa nung mga oras na pa-move on na sya. Naging sweet kasi siya. Lagi niyang dinadala bag ko, nililibre sa canteen, at minsan pa nga nung Valentines nun sya ang ka-date ko. Pero sabi nya FRIENDLY DATE lang daw yun. Pero ayos lang. At least siya kasama ko. At habang mas tumatagal ang panahon, nahuhulog ako lalo sa kanya at sinabi ko yun kay Cha. At ang sabi niya lang, "Edi umamin ka!" Tangeks talaga yun. Kung aamin naman ako. Mawawala friendship namin pero sabi niya ako daw mas nakakakilala kay Ichan. Dapat ako ang maka-alam sa mga magiging reaksyon niya kapag umamin ako. With that thought, naisip kong 'wag na lang umamin. Hanggang sa nagbakasyon, ganun pa rin ang turingan namin, walang nagbago, dumadalaw siya halos araw-araw sa bahay at ako naman minsan sa kanila. Masaya na siya. And with that I can finally say that he moved on. At sobrang natutuwa ako dun. Hanggang sa dumating ang 2nd year college. New friends. Pero si Ichan pa rin talaga ang bestfriend ko. Tibay namin no. Pero dumating yung araw na hindi ko na talaga kayang itago yung nararamdaman ko para sa kanya. Kaya by September, inamin ko sa kanya yung nararamdaman ko. Pero hindi ko alam, yun pala ang ikasisira ng pagkakaibigan namin. ------------------------------------------------------------------ *Present Hayy! Ang hirap kalimutan ng mga nangyari. Ang dami-dami kong regrets. Bakit naman kasi ganun?! Pwede naman niya i-try 'di ba? Pero hindi eh. Ang ginawa niya umiwas siya. Fvck?! Alam niyo ba kung ano nangyari nung inamin ko sa kanya? *Flashback Hmm. Aamin na ba 'ko sa kanya? Kaya lang baka ma-affect yung friendship namin. Wala na 'kong choice. Kailangan kong i-try.Tawagan ko na nga lang sya. *Kriiing. Kriiing* Dialling... Ichan <3 "Hello?" "Hi Ichan!" Sagot ko. "Pwede ba tayo mag-usap?" "Oh sige. About saan ba? Text mo na lang yug time and place." "Ahh sige. Bye. Mwah!" "Ahh. Elaine wait-----" Hindi ko na sya pinatapos dahil alam kong magtatanung pa yun kung anong pag-uusapan namin. Haay! I already texted him the time and place. Kinakabahan ako. Andito na ko ngayon sa venue namin. Hayyy. Jusko. Ilang minutes na lang before we meet. Lord, please guide me. After 10 mins. pumasok na sya sa resto na venue namin. "Elaine!" "Oh! Ichan! Andya ka na pala. Tara, upo ka." "Ahh. Tungkol saan ba pag-uusapan natin?" "Uhm, kain muna tayo. :) Nag-order na 'ko. Malapit na nila i-serve yun. :)" "Ahh okay sige." "Wow! Alam na alam mo talaga yung gusto ko! Thank you! Kaya mahal na mahal kita eh. Hahaha!" Oy! Ganyan talaga sya! Nagsasabi lagi ng I LOVE YOU pero sana totoo na lang no? Nevermind. "Siyempre! Bestfriend eh. Hahaha." And I gave him a fake smile. Ayan na lang ang nasagot ko. Haayy. Kinakabahan ako! Hindi ko alam kung gagawin ko ba o hindi. After namin kumain, ayan na. Jusko. God, help me. "Ahh, Elaine. Ano bang pag-uusapan natin?" Hala! Pa'no na 'to? *lunok* "Ahh. Kasi Ichan may sasabihin lang ako. Mahalaga kasi 'to eh." Sagot ko. "Ano yun? Siguro na-i-inlove ka na sa'kin no?" Hala! Jusko po. "Parang ganun na nga?" Mahina kong sabi. Ewan ko kung narinig nya. "Ano?!" Hala narinig niya! "Na-i-inlove ka na sa'kin?" Kalmado niyang tanong. Hala kapag gantong sumigaw sya tapos biglang parang kalmado galit na 'to eh. Lord, help me. "Oo eh. Ano ba naman masama dun Ichan?--" Sinabi ko ng naka-yuko. "Elaine, 'di ba alam mo namang hindi pwede? Kaibigan lang kita at hanggang dun lang ang tingin ko sa'yo. At isa pa, 'di ba alam mo namang hindi ako na-i-inlove sa bestfriend ko?" "Oo. Alam ko yun pero Ichan, hindi mo man lang ba susubukan?" I said with my eyes pleading. "Sorry Elaine pero, ayokong masaktan ka lang ng dahil sa 'kin. Siguro kailangan muna natin mag-iwasan. MOVE ON, please. Ayokong makita kang nasasaktan. Sige bye alis na 'ko." At ayun. Tumayo na sya. Ganun na lang yun? 'Di niya ba alam na masasaktan ako lalo kung malalayo sya sa 'kin? At hindi ganun kadali ang mag-move on! "Pero Ichan--" Aww. Hindi na nya ako pinatapos. Lumabas na sya ng resto. :"< *End of flashback Hindi ko namalayan umiiyak pala ako. Grabeng pagsisisi ang pakiramdam ko ngayon sa nagawa ko. Ngayon talagang iniwasan niya na 'ko. Its been a week since that tragedy, yea for me its a tragedy, but still even a text from him, wala. Kahit sa class room walang pansinan. 'Pag kakausapin ko sya he would just call another girl's name then ask her to accompany him. Leche ansakit! Bakit ko pa kasi ginawa yun. Pero hindi ako tumigil. Hindi talaga ako titigil hangga't hindi niya ako kinaka-usap. Nasasaktan man o hindi, wala na 'kong paki-alam du'n. Ang importante, 'wag lang siya mawala sa 'kin. Pero nawala na siya 'di ba? Haay! Ano ba yan?! Think positive Elaine. Think POSITIVE! Oo nga pala, si Cha nagkwento lang dahil break na sila ng BF niya. Iniwan siya, ang malala pa, BUNTIS siya. Kaya kinomfort ko na lang. Grabe yung iyak niya. Pati ako naaapektuhan. Pero ok na naman siya. Although, tinutulungan ko pa rin naman siya. It's been 6 months pero ganun pa rin siya. Ansakit. At biruin mo, nakaya ko yun. 6 MONTHS! Walang pansinan! Walang imikan. Gusto ko ng sumuko. Pero isang beses na lang. Kapag hindi ko pa talaga sya naka-usap, bahala na. Aalis na rin naman ako papuntang Canada. Dun na 'ko pinag-aaral nila Mama. Pumayag na rin ako. No choice. Para sa 'kin din naman 'to. Para makalimot. Kaya kinabukasan bago pa mag-summer vacation, inagahan ko pumasok, yung tipong ako pa lang ang mauuna. At hindi naman ako nabigo. Kinuha ko na sa Guard's House ng school yung susi ng room namin. When I opened our room, I quickly made my way to Ichan's seat and grabbed my sticky note and pen. Sinulatan ko yun ng "Please let's talk. Meet me at our favorite restaurant. 5PM sharp. Thanks. You already know me." At idinikit sa upuan niya. Natapos ang klase ng 3PM. Hindi ko na rin napansin kung ano ginawa niya dun sa note dahil busy na rin ako room. Pero halos mapa-iyak na lang ako sa nakita ko sa tapat ng pinto. Yung note na sinulat ko. Tinapak-tapakan na. Ang dumi parang pinangpunas ng kung anong marumi. Ganun na ba siya kagalit sa 'kin? Minahal ko lang naman siya ah? Ba't ganun? Pero hindi pa rin ako susuko. Pupunta ako sa resto na paborito namin. At ayun nga nagpunta ako, 4:50 pa lang. Hihintayin ko siya dito. No matter what. "Last day na bukas. Anong gagawin ko? Prepared na lahat ng papeles ko para sa school na papasukan ko sa Canada." Yan lang tanging nasa isip ko habang hinihintay siya. Paulit-ulit-ulit lang. Nakaka-frustrate. 5PM, walang Ichan na dumating. 5:30PM 6:30PM . . . . . . . Ilang oras na wala pa rin siya... "Ma'am, we're near our closing time. Ikaw na lang po ang nandito." Saad niya. Tinignan ko naman ang relo ko. 11PM na pala. Hindi talaga siya pumunta. :'( "Sige. I'll just go. Salamat." Ansakit. Ba't ganun? Lumabas na lang ako ng resto. This is it. I'm giving up. Pero nagulat ako pagkalabas ko ng resto may humawak sa kamay ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya 'to. Pumunta siya. Pero bakit? Akala ko wala na siyang paki-alam sa'kin? Akala ko wala lang yung note sa kanya? Lukot na yun nung nakita ko eh. Ah, basta! Ang mahalaga maka-usap ko siya. Unti-unting napalitan ng saya ang mga lungkot ko. Pero kahit ganun, may part pa rin sa'kin na sobrang devastated ang feeling. Hinila niya ako papunta sa malayo-layong place dun sa resto, hindi ko alam kung saan 'to. "Hey. What do you wanna talk about?" Masungit niyang sabi. Aray. Galit pa rin siya. "Ichan, Pa'no ka pumunta sa resto? Akala ko wala ka nang paki-alam. Akala ko tinapon mo na lang kung saan yung note?" Pa-iyak na sabi ko. "Psh! Nakita ko yung note! Tinapon ko talaga yun dahil naghehesitate akong pumunta! Pero pumunta pa rin ako. Tinest kita, tinignan ko kung hanggang kailan mo kayang mag-stay dun.---" Pinutol ko na siya. Ayoko nang marinig. Feeling ko nawalan siya ng tiwala sa 'kin. Bakit kailangan niya pa akong i-test? "Umm. Sorry ahh. Sorry kung ikaw ang minahal ko. Sorry kasi napaka-tanga nitong puso ko para ikaw ang piliin na mahalin. Sana 'wag ka na magalit. Sana---" Natigilan ako sa sasabihin ko. Kasi... Kasi.. Kasi... Bigla niya akong niyakap. "Hindi naman ako galit sa'yo eh. Kung hindi mo lang alam kung kung ga'no ako ka-miserable nung wala ka. Nahihirapan akong hindi ka kausapin. Yung pag-iwas ko sa'yo sobrang sakit. Hindi ko kayang wala ka sa buhay ko Laine. Sobrang nasaktan ako sa paglayong ginawa ko. At isa lang na-realize ko nung mga panahong wala ka. At yun ay ang nararamdaman ko para sa'yo. Elaine Mahal kita. MAHAL NA MAHAL! Sorry kung iniwasan kita. Sorry sa lahat lahat ng ginawa ko sa'yo. Naduwag lang sa maaaring mangyari. Naiinis ako sa sarili ko kung bakit umabot pa tayo hanggang dito. " Umiiyak siya habang binibigkas ang mga salitang yan. At habang patagal ng patagal, humihigpit ang yakap niya at mas lalo din tumutulo yung luha ko. Dahilsa halo-halong emosyon. Saya, lungkot, at panghihinayang. Saya dahil mahal din pala ako ng bestfriend ko. Lungkot dahil umabot pa kami sa ganitong punto. At panghihinayang dahil aalis ako, iiwan ko sya at mahirap para sa'kin yun. "Ichan." "Ssshhh. Please hayaan mo na lang muna na ganito tayo." "Ichan wala ka namang kasalanan pero kung sabi mo, pinapatawad na kita. Pero Ichan--" Natahimik ako, hindi ko alam kung pa'no ko yun sasabihin sa kanya. "Bakit?" "Ichan...Aalis ako." "Ha?! Akala ko ba pinapatawad mo na 'ko? Ba't aalis ka?" Kumalas siya sa yakap namin. Tumutulo na naman ang luha niya. Alam ko sabi nila hindi dapat umiiyak ang lalaki, pero ang makita si Ichan na umiiyak, proud pa 'ko sa kanya. Yun talaga kasi ang tunay na lalaki. May nararamdaman. "Oo, pinapatawad na kita. Pero kasi, pinapag-aral na 'ko ng mga magulang ko sa Canada." Malungkot na sabi ko. Mahabang katahimikan. "I'll folow you." Nagulat ako sa sinabi niyang yun. Natahimik naman ako. "I said I'll follow you." "Pero Ichan hindi mo naman kailanga---" "Ssshhh. Gusto ko magkasama tayo. Ayoko din ng LDR (Long Distance R.). Hindi sa wala akong trust sa'yo kundi ayokong wala ka sa tabi ko. Kaya sa ayaw at sa gusto mo. Sasama ako sa'yo." Napangiti naman ako dun pero... "LDR LDR ka dyan, hindi kaa nga nanliligaw! Hmp!" Pakipot pa eh. Hahaha! Siyempre! :D "Edi ngayon ako manliligaw." Nagulat na lang ako nang bigla siyang lumuhod sa harap ko. "Hoy a-ano k-ka ba? Tumayo ka nga diyan." "Elaine "YenYen" Tee. Ang babaeng pinaka-mamahal ko. Will you be my girlfriend?" Jusko po. Kilig OVERLOAD. Tatanggi pa ba 'ko? Grasya na 'to o! Siyempre hindi! Hahaha! :D "YES!" Masaya kong sabi. Hindi ko malilimutan yung gabi na yun. Tatandaan ko yun. :) -------------------------------------------------------- 7 years later... So ayun. Sinundan niya ako hanggang dito sa Canada, nahirapan siya pero hindi siya nag-give up. Pinilit niya ang parents niya na mag-migrate doon at pumayag naman sila, ewan ko nga kung papaano pa namin nalampasan ang mga obstacles na dumating sa amin nung mga panahon na yun. Basta ang alam lang namin mahal namin ang isa't-isa kaya naka-raos kami dun. Naging masaya naman kami. Minsan may konting tampuhan at argument pero hindi yun tumatagal ng 2 araw. Hindi pwedeng ganun. Baka sa hiwalayan mapunta eh. At si Cha? Binalikan siya ng naka-buntis sa kanya. Akala ko nga hindi pananagutan eh, pero in the end inako din ng lalaki yun at nagpakasal sila. At heto na kami, masayang nagsasama sa iisang bahay. Kasal na at may panganay. Si Ethan Jeatda. 2 years old. At ngayon 6 weeks akong buntis. Sobrang saya ko ngayon. Hindi ko alam na magiging ganito kami. At ngayon masasabi ko na sa kanya na "You already is more than enough." Sana magtuloy-tuloy na 'to hanggang forever.